Home METRO Kelot sa Cavite pinagtulungan, patay

Kelot sa Cavite pinagtulungan, patay

MANILA, Philippines – Isang lalaki ang namatay makaraang pagbabarilin ng isa sa dalawang kalalakihan dahil sa alitan sa Brgy Puting Kahoy, Silang, Cavite.

Kinilala ang biktima na si alyas Chris, na naisugod pa sa ospital subalit hindi na ito umabot nang buhay.

Naaresto naman ang suspek na si alyas Domeng habang pinaghahanap pa ng pulisya ang kasama nito na si alyas Jerome.

Base sa ulat, bandnag alas-9:00 kamakalawa ng gabi nang naganap ang insidente sa Tamak, Brgy Puting Kahoy, kung saan una dito ay nag-away umano ang biktima at si alyas Doming sa hindi binanggit na dahilan na umabot sa kanilang pagsusuntukan.

Sumawsaw naman si Jerome at tumulong kay Domeng at pinagbabaril ng tatlong beses ang biktima.

Sa kabila ng tama ng hindi nabatid na baril, nagawa pa ng biktima na tumakbo sa isang bahay subalit tuluyan siyang nawalan ng malay.

Sa isinagawang follow up operation ng pulisya, naaresto si Domeng matapos ituro ng nakasaksi sa naganap na krimen. Margie Bautista