Home NATIONWIDE Publiko pinag-iingat sa mapanganib na leptospirosis ngayong tag-ulan

Publiko pinag-iingat sa mapanganib na leptospirosis ngayong tag-ulan

225
0

Bulacan – Nagbabala ang mga awtoridad na kung maaari huwag lumusong sa baha dahil mapanganib ang mga mikrobyo mula sa basura at dumi na maaring magdulot ng Leptospirosis.

Ito ang ibinahagi ng Bulacan Provincial Health Officer (PHO) – Public Health nitong umaga ng Hulyo 21 at nagsabing maaring magkaroon ng komplikasyon sa atay, bato at puso ang mapapasukan sa katawan ng leptospira.

Sakaling makaranas ng sintomas tulad ng lagnat, pananakit ng katawan, nalusong sa baha na may sugat ay agad maghugas ng katawan at magpakonsulta sa doktor para magabayan sa tamang pag-inom ng Doxycycline.

Sinasabing ang Doxycycline ay hindi maaring inumin umano ng buntis at mga batang edad pitong gulang pababa.

Kaugnay nito, maraming mga mababang lugar sa bayan ng Calumpit, Hagonoy, Paombong, Malolos, Guiguinto, Bulakan, Guiguinto, Balagtas, Bocaue, Marilao, Meycauayan, Obando at iba pang bayan ang lubog sa napakaruming baha dahil sa walang tigil na pag-ulan dulot ng habagat. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here