Home METRO Puganteng Indian-Nepalese inaresto ng BI

Puganteng Indian-Nepalese inaresto ng BI

MANILA, Philippines- Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Indian-Nepalese national na binansagan ng mga awtoridad sa New Delhi na isang mataas na leader ng isang separatist terror group at wanted na kriminal sa India.

Kinilala ni. Immigration Commissioner Norman Tansingco ang suspek na si Joginder Geong, 41, na inaresto sa kanyang bahay sa Barangay Taculing, Bacolod City, Negros Occidental ng mga operatiba BI fugitive search unit (FSU).

Si Geong ay may mga alyas na Joginder Geyong at Kanta Gupta.

Iniutos ni Tansingco ang pag-aresto kay Geong sa kahilingan ng Indian government na nagbigay ng impormasyon hinggil sa pagkakasangkot nito sa criminal activities at terrorism sa kanilang bansa.

“Indian authorities have described him as a notorious criminal with a history of serious offenses including murder, extortion, and robbery,” ayon sa BI Chief.

Si Geong ay pinaghihinalaang namumuno ng isang organized crime syndicate at nasentensyahan ng habambuhay na pagkabilanggo dahil sa kasong pagtatago ng baril sa India.

Iniuugnay din si Geong sa Khalistani terror group na naglalayon na magtayo ng isang independent Sikh state isa Punjab province, India.

“He will be deported for being an undesirable, undocumented, and illegally staying alien whose presence here amounts to a blatant violation of our immigration laws,” ayon sa BI Chief. JAY Reyes