MANILA, Philippines – Inaresto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Chinese fugitive na wanted sa kanyang bansa dahil sa umano’y online gambling at telecommunications fraud.
Nahuli ng mga opisyal ng imigrasyon ang suspek na si Luo Wenchao, 24, sa NAIA noong Hunyo 28 habang sinusubukang umalis patungong Phnom Penh, Cambodia.
Si Luo ay paksa ng isang red notice na inisyu ng Interpol noong 2024. Siya ay pinaghahanap ng Hanshan County Public Security Bureau sa Anhui Province, China dahil sa paglabag sa mga batas sa pamamahala ng credit card.
Ayon sa mga awtoridad ng China, binili umano ni Luo ang mahigit 18,700 set ng bank card kit, isang paglabag sa mga regulasyon ng estado. Ang mga ito ay iniulat na ginamit sa mga kriminal na operasyon tulad ng online gambling at telecommunication fraud.
Agad siyang itinurn-over sa Border Control and Intelligence Unit ng Bureau of Immigration para sa inquest at ngayon ay nakakulong sa pasilidad ng warden ng bureau habang nakabinbin ang mga paglilitis sa deportasyon. RNT/MND