Home METRO Pulis iniimbestigahan pagkasawi ng nahulog na law stude sa Taguig condo

Pulis iniimbestigahan pagkasawi ng nahulog na law stude sa Taguig condo

1
0

TAGUIG CITY — Iniimbestigahan ng pulisya ang pagkamatay ng isang 24-anyos na law student na natagpuan sa isang condominium sa Bonifacio Global City nitong Biyernes, Setyembre 18.

Ayon sa Taguig City Police, estudyante ng Ateneo de Manila University School of Law ang biktima.

Sa paunang imbestigasyon, dakong alas-7:30 ng umaga ng Linggo nang makarinig ng malakas na kalabog ang security officer at maintenance personnel ng gusali. Nang puntahan nila ang pinagmulan ng tunog, natagpuan nila ang wala nang buhay na biktima sa ikaapat na palapag.

Iniulat na nakatira ang biktima sa ika-16 na palapag ng condominium. Ilang residente sa iba pang palapag ang nagsabi ring nakarinig sila ng malakas na impact.

Agad na kinordon ng mga awtoridad ang lugar at nagsagawa ng crime scene processing ang mga imbestigador mula sa Taguig City Police at Southern Police District Forensic Unit.

Isasailalim sa autopsy ang labi ng biktima upang matukoy ang eksaktong sanhi ng kanyang pagkamatay.

Wala pang inilalabas na pinal na ulat ang Scene of the Crime Operatives at iba pang investigating authorities hinggil sa mga pangyayari bago natagpuan ang biktima. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here