Home METRO Pulis pinatay ng selosong kabaro

Pulis pinatay ng selosong kabaro

MANILA, Philippines – Itinumba ang isang pulis ng kabaro nitong nagselos, sa Barangay Tangub, Bacolod City nitong Biyernes, Mayo 31.

Ang biktima ay kinilalang si Police Staff Sgt. Jotham Arrem Tuto, 31, ng Sagay City, Negros Occidental, na nakatalaga sa Mobile Patrol Unit (MPU) ng Bacolod City Police Office (BCPO).

Kinilala naman ang suspek na si Police Patrolman Alvin Rios na bumaril umano sa biktima gamit ang service firearm nito nang makita niya ito at ang kanyang dating live-in partner sa loob ng kwarto ng kanilang bahay.

Ayon kay Police Major Eugene Tolentino, hepe ng Police Station 8, sinubukan pang pakalmahin ng biktima ang suspek ngunit binaril pa rin niya ito.

Dinala sa ospital ang biktima ngunit idineklarang patay na.

Narekober sa crime scene ang .9mm caliber na pistola, dalawang fired cartridges, at apat na magasin na may bala. RNT/JGC