Home NATIONWIDE Siquijor vice gov inakusahan sa pagharang sa P842M badyet ng probinsya

Siquijor vice gov inakusahan sa pagharang sa P842M badyet ng probinsya

MANILA, Philippines – Sumiklab ang tensyon matapos na akusahan ng ilang board members ang bise gobernador ng Siquijor na naghaharang sa P843 milyong badyet ng probinsya.

Itinanggi naman ni Vice Gov. Mei Ling Quezon ang akusasyon sa kanya ng ilang board member kasabay ng budget deliberation.

Ang unang bersyon ng annual budget ng probinsya ay inaprubahan ng Provincial Board (PB) noong Disyembre 2023, matapos ang serye ng budget hearings ngunit noong Abril, nag-isyu ng sulat ang Department of Budget and Management (DBM) na nagsasaad ng ilang technical discrepancies sa dokumento.

Nagsagawa ng serye ng mga pagpupulong ang Local Finance Committee ng probinsya upang ayusin ang mga pagkakamali at ipatupad ang rekomendasyon ng DBM upang muling maipasa ang dokumento para sa approval.

Ang corrected budget ay ipinasa sa PB noong Mayo 7. Agad na sinuri at nagsagawa ng meeting ang committee on appropriations kaugnay nito.

Noong Mayo 14 at 21, ipinasa ng komite na pinamumunuan ni Board Member Dindo Tumala ang report na nagrerekomenda ng approval.

Sa kabila nito, hiniling ng bise gobernador sa PB na bawiin ang approval ng corrected budget at sinabing may mga tanong pa siya tungkol dito. Nangako naman ito na aaprubahan ang budget ng Mayo 30.

Sa sesyon nitong Mayo 30, dito na nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng bise gobernador at mga board member.

Nag-walk out naman si Mayor Roselyn Asok ng munisipalidad ng Maria sa sesyon nang hindi umano pinagsalita.

Tumindi pa ang sesyon nang hindi rin pinayagang magsalita ang budget committee vice chairman na si Board Member Deeiah Tumarong-Quio.

Inakusahan ni Deeiah ang bise gobernador na binabastos ang mga board member.

“Presentation of the budget has always been with us, the committee on appropriations. It should be with the committee on finance, following the manual on budget. For the previous calendar of business, the proponent is either Board Member Dindo Tumala as chairperson and me as vice person. So suddenly, when we had our last regular session, and the board members can attest to it, there were sudden changes on (the pages), where it made the change of chairmanship of the annual budget 2024, which is of course, our presiding officer,” salaysay ni Deeiah.

“I was emotional because I saw Mayor Rose Asok that she wanted to speak out for me, I was asking for the floor but I was not allowed to present my key points,” dagdag pa nito.

Ayon naman kay Board Member Dindo Tumala, chairman ng committee on appropriations, bago pa magsimula ang sesyon ay nagpahayag na siya na posibleng nagsasayang lamang sila ng oras sa pag-uusap sa annual budget matapos na hindi masunod ang proseso.

Sinabi umano ng bise gobernador sa mga board member na ito ay miting ng committee as a whole, kahit na sa batas ay sinasabing ang committee as a whole ay dapat na ideklara ng vote of majority ng PB members at hindi lamang ng bise gobernador.

Kalaunan ay sinabi ng mga board member na ang asta ng bise gobernador ay “dictatorial” dahil sa pagdedelay sa approval ng budget.

“We had time for review and corrections. We will not allow that a single voice will prevail,” ayon kay Board Member Meynard Asok. RNT/JGC