Home METRO Livestock vendor itinumba sa Negros

Livestock vendor itinumba sa Negros

MANILA, Philippines – Itinumba ang isang livestock vendor ng tatlong hindi pa nakikilalang indibidwal sa Barangay Amayco, Murcia, Negros occidental nitong Biyernes, Mayo 31.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jonel Peruelo ng Barangay Amayco, 38-anyos.

Ayon kay Police Capt. Rodney Sarona, deputy chief ng Murcia Municipal Police Station, nagmemeryenda ang biktima sa isang sari-sari store nang dumating ang mga suspek at binaril ito mula sa likod.

Nagtamo ng kabi-kabilang tama ng bala ng baril ang biktima na ikinamatay nito.

Narekober sa crime scene ang walong empty shells, isang deformed hard bullet, isang deformed bullet metallic jacket, fired bullet ng .45 caliber firearm, at tatlong empty shells ng .9mm caliber firearm.

Ani Sarona, tinitingnan nilang anggulo sa pamamaril ay galit o alitan na may kaugnayan sa negosyo. RNT/JGC