Home METRO Miyembro ng NPA patay sa engkwentro sa Samar

Miyembro ng NPA patay sa engkwentro sa Samar

MANILA, Philippines – Napatay ang isang miyembro ng New People’s Army sa engkwentro laban sa mga sundalo sa Basey, Samar nitong Huwebes, Mayo 30.

Rumesponde ang mga tropa mula sa 63rd Infantry “Innovator” Battalion (IB) sa sumbong na may extortion activities sa Sitio Bagti, Barangay Mabini, Basey sangkot ang nasa 10 rebeldeng NPA mula sa Bugsok Platoon, Sub-regional Committee-Sesame (SRC-Sesame) ng Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC).

Nagsipagtakbuhan ang mga miyembro ng NPA patungo sa iba’t ibang direksyon matapos ang 40-minutong sagupaan. Napatay sa engkwentro ang isang miyembro ng NPA na si Domeng Pajares, o kilala bilang si Bager.

Samantala, sugatan naman ang isa pang miyembro ng NPA na kinilalang si Melchor Fabula.

Narekober sa encounter site ang mga armas at war materials. Isang M-16 Armalite rifle, grenade launchers, at International Humanitarian Law (IHL)-banned anti-personnel mines.

Pinuri naman ni Brig. Gen. Noel Vestuir, commander ng 802nd Infantry Brigade, ang mabilis na pagtugon ng 63rd IB sa civilian reports.

Hinimok ni Vestuir ang mga nalalabing miyembro ng NPA sa Samar at Leyte na sumuko na sa mapayapang paraan.

“The path to peace is open and welcoming to those willing to abandon armed conflict,” aniya.

“I reiterate my call to the remaining NPAs in Samar and Leyte Islands to peacefully abandon the armed struggle. The communities no longer support and welcome you. Do not wait to experience the same fate as what happened to your comrades today,” dagdag pa nito. RNT/JGC