Home METRO Retiradong parak tiklo sa panggagahasa sa stepdaughter

Retiradong parak tiklo sa panggagahasa sa stepdaughter

MANILA, Philippines – Arestado ang isang retiradong pulis na wanted sa panggagahasa ng stepdaughter nito sa Barangay Cabug, Bacolod City nitong Biyernes, Mayo 31.

Ayon kay Police Capt. Michael Tuburan, hepe ng Police Station 9, sinilbihan ng warrant of arrest sa 13 counts ng rape at acts of lasciviousness ang 78-anyos na suspek.

Ani Tuburan, nakipag-ugnayan sa kanila ang Counter Intelligence Division-Integrity Monitoring Enforcement Group (CID-IMEG) sa pagsisilbi ng arrest warrant.

Aniya, ang suspek na dating Senior Police Officer 3 (SPO3) ay nakatalaga sa Pangasinan. Nagretiro ito sa serbisyo noon pang 2002.

Walang inirekomendang piyansa sa pansamantalang paglaya ng suspek. RNT/JGC