Home NATIONWIDE Pulong ng prosekusyon kay Matibag, routine witness preparation lang, ‘di coaching

Pulong ng prosekusyon kay Matibag, routine witness preparation lang, ‘di coaching

3
0

MANILA, Philippines – Hindi coaching bagkus bahagi lang ng witness preparation ang pagpupulong ng House Prosecution team kay National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag, ayon kay House prosecution team legal spokesperson Atty. Benjamin “Jay” Tolosa Jr.

Sa cross examination ng depensa  ay inamin ni Matibag sa impeachment trial na nakipagkita ito sa prosecution team bago ang pagtestigo sa witness stand.,

Subalit nilinaw ni Tolosa na wala sa statemengt ni Matibag na ito ay binigyan ng briefing.

“There is nothing unusual or irregular about that. Napaka-normal ho yan sa lahat ng paglilitis kahit sa normal na mga kaso,” paliwanag ni Tolosa.

“Bago ka mag-upo ng testigo, normal. Kakausapin mo, ini-interview mo ‘yung witness para malaman mo ano bang masasabi niya dito sa paglilitis na ito,” dagdag pa nito.

Ang ganitong pulong ay upang matukoy ng abogado kung anong mga dokumento ang kailangang iharap at markahan bilang suporta sa salaysay ng saksi.

Sinabi pa ni Matibag na kung sakali na sya din ay tawagin bilang testigo naman ng depensa ay parehas din ang kanyang gagawin na makikipagpulong dito. 

Samantala, sinabi  naman ni House trial spokesperson Zia Adiong  na walang dapat na ibrief pa kay Matibag dahil ang kanyang ilalahad sa witness stand ay ang nalalaman nya bilang Director ng NBI.

“Paano mo i-brief ‘yung isang testigo na alam niya kung ano yung purpose niya doon sa trial na yun?” pagtatapos pa ni Adiong. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here