Home NATIONWIDE Pulong nina Trump, PBBM pinaplantsa pa – DFA

Pulong nina Trump, PBBM pinaplantsa pa – DFA

MANILA, Philippines- Nananatiling nasa ‘initial phase’ ang potensyal na pagpupulong nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at US President Donald Trump.

Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na hindi pa napag-uusapan ang detalye ng miting.

“Nasa early stages lang iyon na siyempre nag-usap na sila and the possibility is there. So, kailangan pang pag-usapan iyong mga detalye kung kailan at saka kung ano iyong mga issues, etcetera,” ang sinabi ni Manalo.

Nauna rito, inihayag ni Pangulong Marcos na makikipagpulong siya kay Trump para pag-usapan ang polisiya sa immigration at iba pang larangan ng kooperasyon ng administrasyon ng huli.

“This is something that we have to work through and hopefully resolve. Because the Filipinos in the United States, especially, have really formed a very important part already of their workforce. So, we’ll see how we can influence the policy-making in terms of immigration,” ang sinabi pa rin ni Manalo.

Tiniyak naman ni Manalo sa mga Pilipino na handa ang gobyerno ng Pilipinas na tulungan ang mga Pinoy na nasa Estados Unidos na maaaring maapektuhan ng ‘new immigration policy’ ng administrasyong Trump.

“Well, we will have to await kung ano iyong mga pronouncements ng US government. But I want to assure iyong our citizens, Filipinos who are in the United States that our embassies and consulates are ready to provide whatever assistance they may need in case kailangan nila ng assistance,” ayon kay Manalo.

Nilinaw naman ni Manalo ang kaso ng 24 Pinoy na kamakailan lamang ay na-deport dahil sa umano’y pagkakasangkot sa illegal activities na pinoproseso na sa panahon ng administrasyong Biden.

Binigyang-diin ni Manalo na ipagpapatuloy ng Pilipinas ang polisiya nito sa kalusugan, seguridad at mitigasyon ng climate change sa kabila ng nalalapit na withdrawal ng Estados Unidos mula sa World Health Organization at Paris climate accord.

“Of course, decision iyan ng United States. It’s their right if they wish to withdraw or join. As far as the Philippines is concerned, klaro naman ang posisyon natin, I spoke a bit about climate change, that will not change. And ganoon pa rin ang mga priorities natin,” ang sinabi ni Manalo.

“And doon sa World Health, of course, importante sa atin ang World Health especially dahil sa mga potential health security issues, mga pandemic. So, we will continue our policies sa World Health. We will have to see kung anong effect, but the Philippines will continue its policies,” dagdag niya. Kris Jose