Home HOME BANNER STORY Pumatay kay DJ Johnny Walker, arestado – task force

Pumatay kay DJ Johnny Walker, arestado – task force

MANILA, Philippines – Naaresto na ng mga awtoridad ang hinihinalang gunman na pumatay sa broadcaster na si Juan “DJ Johnny Walker” Jumalon sa Dipolog City, Zamboanga del Norte.

Sa mensahe, sinabi ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) na naaresto ang hindi pinangalanang gunman ng pinagsanib na pwersa ng Misamis Occidental at Zamboanga del Norte police.

Wala pang detalye kaugnay sa pag-aresto sa kasalukuyan.

Matatandaan na binaril-patay habang nagpoprograma sa radyo si Jumalon noong Nobyembre sa loob ng kanyang tirahan sa Calamba, Misamis Occidental.

Pumasok ang suspek sa tirahan ni Jumalon na nagpanggap na may importanteng anunsyo na ieere sa radyo. Kalaunan ay naglabas ng baril ang suspek saka binaril ang radio anchor.

Noong Marso ay sinabi ng PTFoMS na naaresto na nito ang dalawa sa tatlong suspek sa pagpatay kay Jumalon sa Misamis Occidental. Kinilala ang mga ito na sina Boboy Sagaray Bongcawel at Renante Saja Bongcawel, magpinsan. RNT/JGC