Home METRO Pumping stations sa Metro Manila, fully operational – MMDA

Pumping stations sa Metro Manila, fully operational – MMDA

NAGDULOT ng gutter deep na baha sa kahabaan ng United Nations Ave, Taft Ave. at General Luna sa Maynila sa ikaapat na araw ng malalakas na pag-ulan dulot ng Habagat. Crismon Heramis

MANILA, Philippines- Sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Linggo na lahat ng 71 pumping stations nito sa capital region ay fully operational bilang paghahanda sa bagsik ni Super Typhoon Pepito (international name: Man-Yi).

“Unang una po sinisigurado ng ating MMDA Chairman (Don Artes) na ang 71 pumping stations are in full operational condition at ‘yun naman pong nasira na navigational gate ay naayos na rin po,” pahayag ni MMDA Public Safety Division officer-in-charge Director Crisanto Saruca Jr. sa Presidential Communications Office-Office of Civil Defense media briefing.

Aniya, pinayuhan ang Metro Manila mayors na alisin ang mga basura sa kani-kanilang lugar upang maiwasan ang pagbara habang inatasan ang Department of Public Works and Highways na i-secure ang billboards at maghanda ng construction equipment.

Inilahad din niyang pinagana ng MMDA ang Emergency Operations Centers nito at nagtalaga ng mga tauhan at rescue at retrieval assets sa strategic locations para sa mga emergency.

“Ready na rin ang ating Public Safety Division personnel and other units as well as ating rescue and retrieval assets. Naka position na po dito sa MMDA at magdedeploy na tayo kung kinakailangan po,” pahayag ng opisyal.

Ani Saruca, nakatutok ang MMDA sa mga lugar na madalas bahain tulad ng Camanava (Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela), Marikina, EDSA, Quezon Avenue at Maria Clara areas. RNT/SA