Home NATIONWIDE Purchase booklets sa seniors pinatatanggal ni Tulfo

Purchase booklets sa seniors pinatatanggal ni Tulfo

Iminungkahi ni Deputy Majority Leader Erwin Tulfo na alisin na ang purchase booklets bilang requirement para makakuha ng 20 percent discounts ang mga senior citizens sa pagbili ng kanilang gamot at groceries.

“I think we have to go away with the booklet because this is useless and an additional burden to senior citizens,” pahayag ni Tulfo.

Aniya, ang pagkakakilanlan sa mga senior ay dapat sapat na para makakuha ng discounts.

“this an insult to all the senior citizens kasi parang tinitingnan ng mga merchants ng mga business establishment na mga manloloko ang mga senior citizen natin kaya they have to own a booklet”paliwanag ni Tulfo.

Ipinaliwanag pa n Tulfo na marami sa mga seniors ang nakakaligtaan pa na dalhin ang kanilang bpoklet na nagiging dahilan para hindi sila mabigyan ng discount sa mga establishimento.

“This is full of crap, kailangan po siguro nating i-review itong law” giit pa nito.

Sinuportahan naman ni United Senior Citizens Party-list Rep. Milagros Aquino-Magsaysay ang panukala ni Tulfo.

Gayundin ang pahayag ni House Committee on Ways and Means chairperson, Albay Rep. Joey Salceda, aniya, hindi naman kailangan ang ganito pang booklet.

Sinabi ni Salceda na pag aaralan ng komite ang suhestiyon ni Tulfo.

Una nang iminungkahi ni Marikina Rep. Stella Luz Quimbo na rebuyihin ang senior citizens discount law at maisama ang pagbibigay ng diskuwento maging sa online delivery services at ride-hailing applications. Gail Mendoza