MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pagtutol ang ilang mga senador at kongresista sa pinalutang na pagsusulong ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ng paghihiwalay ng Mindanao sa Pilipinas gamit ang signature drive.
Ang hakbang ay kahalintulad ng ginagawang pagsusulong ng Charter Change sa pamamagitan ng pirma mula sa People’s Initiative.
Sa kabila nito, nagpahayag ng pagtutol ang kapwa Mindanaoans Senate President Juan Miguel Zubiri at Minority Leader Aquilino Pimentel III.
Sa isang panayam sa mga mamamahayag, una nang sinabi ni Zubiri na wala siyang komento sa plano ni Duterte ngunit idinagdag niya na ito ang huling bagay na gusto nila.
“With due respect to former president, I think right now the last thing that we want is magkagulo-gulo, magkawatak-watak ang ating bansa. Ang akin dyan ay slow down natin ang away ngayon dahil ang importante ay kapakanan ng bahay,” aniya.
Si Pimentel, sa kanyang bahagi, ay nagsabi na ang plano ay nangangailangan ng higit pang pag-aaral ngunit binanggit niya na siya ay “laban sa anumang mungkahi ng paghihiwalay o paghihiwalay ng bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.”
“Kailangan nating magtrabaho nang walang pagod sa paggawa ng bansang ito bilang isang gumaganang epektibong Estado,” sabi niya.
Naniniwala naman si Senador Francis Escudero na ang plano ay “hindi posible ayon sa Konstitusyon.”
Samantala, binatikos naman House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Mannix Dalipe ang pahayag ni Davao City 1st district Rep. Paolo Duterte na ihiwalay na sa Pilipinas ang Mindanao region.
Ayon kay Dalipe wala siyang nakikitang dahilan para gawin ito.
Ang paghihiwalay ng Mindananao ay una nang inilutang noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at muling isinusulong ngayon ng kanyang anak na si Davao Mayor Paolo Duterte.
“So why, I don’t see, right now we’re good and I don’t see any benefit for this country, for Mindanao to separate.That is their opinion. I don’t share the same idea. ayaw namin humiwalay. Hindi ko nga maintindihan ang statement nila” pahayag ni Dalipe na isang Mindanaoan.
Giniit ni Dalipe na magiging “disadvantageous” para sa Mindanao kung hihiwalay ito lalo na at hindi maganda angekonomiya sa ngayon sa rehiyon.
“OK lang siguro yung mga nakakuha na ng P51 billion na sa kanilang distrito o sa kanilang sIyudad. E paano naman yung mga wala pa, ihihiwalay nIyo na? So I disagree with them,” giit ni Dalipe.
Matatandaan na una nang sinabi ni House Committee on Appropriations Chairman Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co na kanilang sisilipin ang report na ang Davao City ay nabigyan ng P51 billion na pondo para unprogrammed funds sa ilalim ng termino ni dating Pangulong Duterte.
Ipinaliwanag ni Dalipe na hindi nais ng mga taga Mindanao ang humiwalay dahil batid nito na mas magiging dehado sila kung hihiwalay sa bansa.
Noong Martes ng gabi, pinalutang ni Digong ang ideya ng Mindanao na humiwalay sa Pilipinas sa pamamagitan din ng proseso batay sa pangangalap ng mga lagda. RNT