MANILA, Philippines – MULING nag-alburoto ang bulkang Kanlaon makaraang makapagtala ng walong (8) volcanic earthquakes sa nakalipas na magdamag iniulat kanina ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs bukod sa pagyanig nakataas ang alert level 1 ang paligid ng bulkan.
Sinabi pa ng Phivolcs na bahagya rin natatakpan ng ulap ang bulkan at namataan ang pamamaga ng bulkan.
Kaugnay nito sinabi ng ahensya na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa apat na kilometrong (4 km) radius Permanent Danger Zone (PDZ) sa paligid ng bulkan dahil sa banta ng biglaang pagputok nito.
Ayon pa sa Phivolcs mahigpit din ipinagbabawal ang pagpapalipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan. (Santi Celario)