Home NATIONWIDE Pusher ng damo arestado sa Bataan

Pusher ng damo arestado sa Bataan

287
0

MANILA, Philippines – Timbog sa mga awtoridad ang isang lalaki na hinihinalang dealer ng pinatuyong dahon ng marijuana matapos masakote ito sa ikinasang buybust operation ng pulisya sa Barangay St. Francis II, LIMAY, Bataan.

Batay sa ulat kay Region 3 Police Director Brigadier General Ponce Rogelio Peñones Jr., kinilala ang suspek na isang 26 anyos na lalaki at residente sa naturang lugar.

Nadakip ang suspek matapos umanong maaktuhang nagbenta ng pinatuyong dahon ng marijuana sa undercover police.

Nasamsam sa suspek ang isang malaking pakete ng suspected dried marijuana leaves na may timbang na mahigit 50 grams at standard drug price ng higit sa P6,000 at ang marked money na ginamit sa buybust.

Nahaharap na ang suspek sa kasong paglabag sa mas pinaigting na batas kontra iligal na droga. ROEL TARAYAO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here