MANILA, Philippines — Na-re-schedule ang Premier Volleyball League ng kanilang Reinforced Conference semifinal games na paglalabanan ng PLDT kontra Akari at Creamline laban sa Cignal na unang itinakda noong Huwebes sa PhilSports Arena.
Inilipat ito sa Sabado sa MOA Arena dahil sa pagkawala ng kuryente sa Pasig dulot ng kamakailang pagbuhos ng ulan.
Dahil dito, ang knockout championship round ay na-reset mula Sabado hanggang Lunes sa Smart Araneta Coliseum.
Ang masamang lagay ng panahon ay nagdulot ng malaking pinsala sa ilang mga poste ng kuryente sa Meralco na nagsusuplay ng kuryente sa PhilSports Arena, na naging dahilan upang hindi magamit ang pasilidad.
Nasasabik naman ang fans na mapanood ang nasabing mga laban.