Bukod sa pagnanais masuportahan at maprotektahan ang hanay ng mga mangingisda sa buong bansa, nagpakita rin ang grupo ng Pwersa ng Pilipinong Pandagat (PPP) ng todo-suporta sa mga taunang Bangcarera sa ibat-ibang parte ng bansa kamakailan.
Pinuri ng mga mangingisda sa iba’t ibang probinsiya ang PPP dahil sa malaking suporta na binibigay ng grupo maging sa mga “panpalakasan” o Bangcarera Festival.
“Sa tagal ng aming paglalayag, ngayon lang kami naka ramdam ng ganitong suporta at labis na pag mamahal. Tipong naka tutok ang tapat na malasakit sa amin ng grupo ng Pwersa ng Pilipinong Pandagat. Nawa’y maging instrumento sila sa buong bansa upang makatulong sa aming mga mangingisda,” pahayag ni Noel Morales, leader ng Maslog Fisherfolks na dumalo sa Bangcarera sa Danao City, Cebu.
“Una po, salamat sa Maykapal at kami po ay binibigyan Niya ng lakas at pananampalataya na makayanan namin makatulong sa mga kapwa ko mangingisda o mandaragat. Nawa’y saan man sulok ng bansa ay maging instrumento po kami sa pagtulong sa ating mga kababayan,” tugon ni Johnny Toleran, tagapagsalita ng grupo ng PPP.
Matatandaan na naging maagap din ang pagtulong ng grupong PPP sa Bataan oil spill kung saan nagdala ito ng tulong sa Bagac, Bataan kamakailan. RNT