Home NATIONWIDE Pagbabanta sa mga pamilya ng mga parak aaksyunan ng bagong CIDG chief

Pagbabanta sa mga pamilya ng mga parak aaksyunan ng bagong CIDG chief

192
0

MANILA, Philippines- Nakatakdang maghain ang bagong hepe ng Criminal Investigation and Detection Group ng kaso laban sa mga indibdiwal na nagbanta sa kanyang pamilya sa kasagsagan ng police manhunt para kay Davao televangelist Apollo Quiboloy.

Sinabi ni Police Brigadier General Nicolas Torre na nakatatanggap ang pamilya niya at ng iba pang police officers ng iba’t ibang banta at harassment sa two-week search kay Quiboloy sa loob ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound sa Davao City.

Magsasampa ng direct assault charges laban sa KOJC members na nang-harass sa mga pulis, mamamahayag, at sibilyan sa pagtunton kay Quiboloy, base sa opisyal.

“One of the complainants is General Nicolas Torre dahil kasama ako…I will also file the direct assault charges dahil may direct assault sa akin. I will be personally filing cases,” pahayag niya sa isang panayam.

“‘Yung in-involve nila mga anak namin, mga asawa namin, ay teka muna, over and above the bakod na ‘yan. Hindi pupwede ‘yan,” aniya pa.

“No sugarcoating, ang di katanggap tanggap diyan ay ini-involve nila ‘yung mga walang pakialam most especially ‘yung mga pamilya ng mga pulis, most especially ‘yung pamilya ko.”

“Yung mga taong gumawa ‘nun ay talaga naman maghanda-handa sila dahil makakatanggap sila ng notices at dadalhin natin sila sa korte,” wika pa ng opisyal.

Nagsasagawa rin ang CIDG ng case buildup laban sa mga miyembro ng tinatawag na Angels of Death, umano’y private army na ginamit ng simbahan ni Quiboloy upang pagbantaan ang kanyang mga biktima.

“Maraming atrocities ang ating iniimebstigahan kaya tuloy ang ating trabaho sa KOJC,” ani Torre. 

Itinanggi naman ng Sonshine Media Network Inc., ang media arm ng KOJC, ang pagkakaroon ng nasabing private army. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here