Home HOME BANNER STORY Pwesto ng Pinas sa Corruption Perceptions Index, inaasahang bubuti

Pwesto ng Pinas sa Corruption Perceptions Index, inaasahang bubuti

180
0

MANILA, Philippines – INAASAHAN na ng Malakanyang ang pagbaba ng Pilipinas sa 120 rank mula sa 114 rank sa hanay ng 182 bansa sa Corruption Perceptions Index.

“Expected po iyan dahil binuksan po ng Pangulo ang isyu tungkol sa korapsyon. So, kung binuksan ng Pangulo ang korapsyon, magkakaroon ng pag-iimbestiga, at ito po ang ninais ng Pangulo – maimbestigahan,” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing ng Malakanyang.

“So, noong nagkaroon ng imbestiga, na-open ang mga natatago noon kaya nililinis po ng Pangulo ang nangyari noong nakaraan,” aniya pa rin.

Binigyang diin pa ni Castro na lahat ng dumi ng nakaraan ay nililinis ngayon ng administrasyong Marcos.

“So, expected po talaga na mabubunyag ang korapsyon na naganap noong nakaraan. At sa paglilinis pong ito, makikita po nila ang pagbabago para mas makita nila na pinipigilan at tinatanggal na ang korapsyon sa pamahalaan,” anito.

Sa ulat, ang iskor ng Pilipinas na 32 ay mababa sa global average na 42 dahilan para maipuwesto ito sa 120 rank.

Ang resulta “is one point worse than its score of 33 in 2024, which put it in 114th place out of 180 countries measured.”

Kabilang sa ibang ASEAN members, ang Pilipinas, nag-ranks na mababa sa Singapore (3), Malaysia (54), Brunei (63), Timor-Leste (73), Vietnam (81), Laos (109), Indonesia (109), at Thailand (116). Tanging ang Cambodia (163) at military junta-run Myanmar (169) ang nasa ‘worse placements’ corruption perception index.

Ang index, pinagsama ng global anti-corruption monitor Transparency International, sinusukat kung paano ang korap na public sector ng bansa ay napagtanto ng mga eskperto at business people. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here