Home METRO QC magsasampa ng kaso laban sa condo sa pagkamatay ng isang estudyanteng...

QC magsasampa ng kaso laban sa condo sa pagkamatay ng isang estudyanteng nalaglagan ng debri

306
0

QUEZON CITY, Philippines – Ang Pamahalaang Lungsod ng Quezon ay “finalizing a criminal and administrative case” laban sa mga responsable sa mga konkretong debris na nalaglag mula sa isang condominium na ikinasugat ng dalawang menor de edad at ikinamatay naman ng isa, sinabi ng lokal na pamahalaan noong Miyerkules.

Noong Agosto 12, isang bahagi ng semento mula sa isang condominium sa kahabaan ng Tomas Morato Ave. ang nahulog sa mga estudyante, na nagdulot ng mga pinsala sa tatlong menor de edad.

Isa sa mga estudyante, si CJ Baldonaldo, ay pumanaw noong Miyerkules matapos ma-coma, inihayag ng kanyang ama.

Sa pahayag nito, ikinalungkot din ng Quezon City government ang pagpanaw ni Baldonado.

“The Quezon City Local Government expresses its deepest condolences to the family of CJ Baldonado, who lost his life after being hit by a falling concrete slab,” saad ng pamahalaang lungsod.

“This tragedy is painful and heavy. We assure the family [of CJ] and the public that this city government will do everything so that justice can be served for CJ, and the two other kids affected by the incident,” dagdag nito.

Higit pa rito, ang Social Services Development Department ay nakikipag-ugnayan sa pamilya ng namatay para sa anumang tulong na maaaring kailanganin nila, sinabi ng pamahalaan ng Quezon City.

“The local government is ready to give all the help the family needs and support whatever step they want to take next,” saad ng lokal na pamahalaan.

Tiniyak din nito na hindi na hahayaan ng lokal na pamahalaan na maulit ang insidente.

Ang Quezon City Police District, na bumuo ng investigation team para tumingin sa insidente, ay hindi pa naglalabas ng impormasyon hinggil sa usapin. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here