Home NATIONWIDE QC nagdeklara ng state of calamity sa epekto ni ‘Kristine’

QC nagdeklara ng state of calamity sa epekto ni ‘Kristine’

MANILA, Philippines- Dahil sa pananalasa ng bagyong Kristine nagdeklara nitong Biyernes (Oktubre 25) ang Quezon City government ng state of calamity bunsod ng naging epekto ng bagyo.

Nagpasa ng resolusyon ang Quezon City Council na nagdedeklara ng state of calamity sa buong lungsod bilang tugon sa epekto ng Severe Tropical Storm Kristine.

Inakda ng lahat ng 38 na konsehal ng lungsod at pinamumunuan ni Quezon City Vice Mayor Gian Sotto, at Majority Leader Doray Delarmente ang resolusyon ay nagbibigay-daan sa pagpapakilos ng mga pondo at mapagkukunan ng kalamidad, kabilang ang Quick Response Funds sa parehong antas ng lungsod at barangay.

Binanggit ni Sotto na lahat ng 142 barangay sa Quezon City ay apektado, kung saan 40 barangay, o 28 porsyento, ang nakararanas ng matinding bagyo. Ang mga Barangay Tatalon, Bagong Silangan, at Batasan Hills ay kinilala bilang mga lugar na pinakamahirap na tinamaan na nangangailangan ng tulong.

Inirekomenda ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council ang resolusyon.

Samantala, bukod sa Quezon City, nagdeklara rin ng state of calamity ang mga sumusunod na lugar dahil sa epekto ni Kristine:

CALABARZON

  • Cavite

  • Quezon province

  • Mulanay

  • Tagkawayan

  • Lucban

BICOL REGION

  • Albay

  • Camarines Norte

  • Camarines Sur

  • Sorsogon

  • Donsol

  • Matnog

EASTERN VISAYAS

  • Samar

  • Calbayog City. Santi Celario