Home NATIONWIDE QCPD, higit 10,000 establisimyento binisita sa loob ng isang linggo

QCPD, higit 10,000 establisimyento binisita sa loob ng isang linggo

1
0

QUEZON CITY, Philippines – Sinabi ni Quezon City Police District (QCPD), District Director PBGEN Randy Glenn Silvio, na aabot sa 10,974 establisyemento ang nabista ng mga pulis mula Agosto 15–21, 2026. Bilang bahagi ng kanilang pinaigting na pagsisikap na palakasin ang presensya ng pulisya, pigilan ang mga krimen, at itaguyod ang kaligtasan ng publiko sa buong Quezon City.

Ang mga pagbisitang ito ay bahagi ng estratehiyang “Target Hardening” ng QCPD, na naglalayong palakasin ang presensya ng pulisya, pigilan ang mga krimen, at tiyakin ang mabilis na pagtugon at pag-aresto sa mga indibidwal na sangkot sa mga insidenteng nagdudulot ng alarma at iba pang krimen.

Ayon pa sa QCPD sa mga himpilan ng pulisya, ang Eastwood Police Station 12 ang nagtala ng pinakamataas na bilang ng pagbisita sa mga establisimyento na umabot sa 2,382; sinundan ito ng Kamuning Police Station (PS 10) na may 1,205, at Batasan Police Station 6 na may 865.

Sa mga nasabing pagbisita, nakipag-ugnayan ang mga pulis sa mga may-ari ng negosyo, mga manager, at mga empleyado. Pinaalalahanan nila ang mga ito na manatiling mapagmatyag at agad na iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad o emergency sa pamamagitan ng National Emergency Hotline 911 o QC Helpline 122.

“Sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pagsisikap sa Target Hardening, inilalapit namin ang aming mga pulis sa mga establisimyento at komunidad. Nagbibigay-daan ito upang matukoy namin ang mga isyu sa seguridad, mapalakas ang mga hakbang sa pag-iwas sa krimen, at makatugon agad kapag kinakailangan ang tulong,” pahayag ni PBGEN Silvio.  (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here