Home NATIONWIDE NCDA: PWDs, igalang; kapansanan, ‘wag laitin

NCDA: PWDs, igalang; kapansanan, ‘wag laitin

4
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang National Council on Disability Affairs (NCDA) ng respeto sa mga persons with disabilities (PWDs) sa mga usaping pampulitika matapos kumalat ang caricature ni Akbayan Rep. Percival “Perci” Cendeña na umano’y nangungutya sa kanyang pisikal na anyo at kapansanan.

Ayon sa NCDA, hindi katanggap-tanggap at diskriminasyon ang paggamit ng kapansanan bilang paraan ng pag-atake sa isang tao sa politika.

“Mocking a person’s disability or physical features as a tool of political attack is unacceptable, discriminatory, and has no place in civilized public discourse,” sabi ng NCDA.

Binanggit din ng konseho ang Republic Act 7277 o Magna Carta for Persons with Disabilities, na kumokondena sa diskriminasyon, panlalait at mapanirang paglalarawan sa mga PWD.

Ayon sa NCDA, maaaring magpalala ng maling pananaw at stigma laban sa mga PWD ang ganitong uri ng paglalarawan, kabilang na ang mga PWD na nagsisilbi sa gobyerno.

Iginiit din ng konseho na dapat tratuhin nang may dignidad si Cendeña at hindi dapat gamitin ang kanyang kapansanan upang maliitin ang kanyang trabaho bilang opisyal ng gobyerno.

“His disability is part of who he is—it is not a flaw, not a mockery, and certainly never a justification for disrespectful treatment,” sabi ng NCDA.

Dagdag pa nito, ang paggawa ng caricature na nangungutya sa kapansanan ni Cendeña ay hindi lamang kawalang-respeto sa kanya kundi pati sa posisyon na kanyang hawak at sa mga taong kanyang kinakatawan.

Nanawagan ang NCDA para sa isang pampublikong diskurso kung saan ang mga PWD ay tinatrato nang may parehong dignidad at respeto, anuman ang kanilang posisyon o political affiliation.

“We stand with Cong. Cendeña, and we stand for a society where all persons are treated with respect—in words, in actions, and in every image we create,” pahayag ng NCDA. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here