MANILA, Philippines – Simula na ng recess ng House of Representatives sa Setyembre 26, subalit tuloy-tuloy pa rin ang isasagawang pagdinig ng House Quad Committee, ayon kay Manila Rep Bienvenido Abante.
“We will continue on kahit break sapagkat nakita po namin yung involvement ng isang sindikato at nakita rin po natin na napakalaki ng involvement ng ilang mg heneral dito. Unless otherwise mabuwag natin at makita natin sa loob ng Philippine National Police (PNP) ang mga heneral na involve sa drugs, hindi mawawala ang drug problem sa Pilipinas,” pahayag ni Abante.
Ang quad-comm ay nakapagsagawa na ng 6 na marathon hearings.
Ani Abante isasalang pa rin sa pagtatanong sina Cassandra Ong, Alice Guo at Royina Garma at tuloy tuloy ang pagsiyasat sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), illegal drugs, money-laundering at extrajudicial killings (EJKs).
“Palagay ko mahaba haba pa. We would like to finish that kasi malapit na ang filing ng certificates of candidacy di ba? You know pag nag-file ka parang campaign period na yan so talagang sabi ko nga eh we have to be in our own district para mag barangay na kami. pero still we really have to finish this job. We do not want this to happen anymore, kawawa po ang Pilipinas” paliwanag ni Abante.
Sinabi ni Abante na sa susunud na pagdinig ay sesentro na sa EJK. Gail Mendoza