Ilan lang ito sa mga tinawag kay Romnick Sarmenta pagkatapos mag-post ng tanong sa X (dating Twitter) tungkol sa mga offenders na natutunton sa Davao.
Post ng aktor na isa ring propesor: “Bakit ‘yung mga pinaghahanap ng batas, sa Davao natutunton? Safe bang magtago sa Davao? O may tumutulong para doon sila magtago?”
Kaagad namang sinundan ito ni Romnick ng disclaimer.
Aniya, marami naman daw siyang kilala na taga-Davao na honest at respectable na mga tao.
Therefore, he wasn’t making a sweeping statement.
Nagtataka lang daw siya na tila isang safe haven ang Davao para piling magtago rin ang mga wanted ng batas.
Tulad ng inaasahan, pinalagan ito ng ilang netizens.
Bukod sa mura’y nakatikim din ang aktor ng panlalait.
Tinawag siyang bobo, dilawang laos at ipokrito.
Sa kahit saang lugar naman daw ay doon nagtatago ang mga pugante.
Other netizens went as far as taking a swipe at Romnick’s seeming inaction na naturingan pa manding taga-showbiz.
Laganap din kasi sa mundong ginagalawan niya ang mga baklang sexual predators, pero may ginagawa raw ba siya?
Tumingin daw muna si Romick sa mismong bakuran niya kesa pagdiskitahan ang ibang
lawbreakers who choose Davao as their hiding place.
Pero kung may mga umalma sa kung tutuusi’y valid question ng aktor, nakahanap naman siya ng mga kakampi.
Pabirong tinawag ng isang netizen na safe pagtaguan ang “lungga ng mga Duterte.”
Klaro na naunawaan ng mga ito ang take ni Romnick sa isyu, na base na rin sa mga turn of events of late.
The actor was merely coming from the particular case of Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy.
Nasukol ng mga otoridad si Quiboloy sa Davao.
Kilala ring identified ang spiritual leader kay dating Pangulong Duterte.
Malinaw din that Romnick merely posed a question, at lalong malinaw na may kasunod na disclaimer ‘yon kaagad na hindi niya nilalahat ang mga nagtatago sa Davao.
Kaya ano naman ang kinalaman ng pagiging isang “artistang laos” ni Romnick when the issue is way too irrelevant sa kanyang showbiz work?