MANILA, Philippines – Buong-buong pinauubaya na ni Vice President Sara Duterte sa House of Representatives ang plenary deliberations para sa 2025 proposed budget ng Office of the Vice President’s (OVP).
Isang liham ang ipinadala ni VP Sara kay Lanao del Sur Rep. Zia Adiong,ang sponsor ng OVP budget, giit ni Duterte ang lahat ng dokumento na kaugnay sa panukalang budget ay kanila nang naisumite sa Kamara.
Aniya, kanya na rin naimpornahan si House Speaker Martin Romualdez and panel chairperson Bicol party-list Representative Zaldy Co.
“In consideration of the foregoing, the OVP leaves the deliberation of our budget proposal in the plenary entirely to the pleasure of the House of Representatives,” nakasaad sa liham ni Duterte na may petsang September 11 subalit ipinalabas noong September 16.
Ang P6.352-trillion 2025 national budget ay target na maipasa sa huli at ikatlong pagbasa sa Setyembre 25.
Ngayong araw nakaiskedyul dinggin ng House plenary ang OVP budget subalit hindi ito inaasahanhg dadalo sa deliberasyon. Gail Mendoza