Home METRO Quarry operator, utas sa pamamaril sa Nueva Ecija

Quarry operator, utas sa pamamaril sa Nueva Ecija

273
0

NUEVA ECIJA, Philippines – Wasak ang mukha at dead-on-the-spot ang isang 45-anyos na lalaking quarry operator matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa kilalang salarin habang papunta sa kanyang quarry site sa gilid ng ilog sa Barangay Lusok, Bongabon, Nueva Ecija kahapon ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ronald Lazaro y Emiterio, negosyante, residente ng Brgy. Platero, General Natividad, Nueva Ecija.

Base sa imbestigasyon ng mga awtoridad, sakay ng kanyang pick-up ang biktima nang pagbabarilin ng mga suspek, gamit ang 5.56mm rifle na agad niyang ikinamatay.

Ayon kay PMaj. Alrick A. Erana, hepe ng Bongabon Police Station, matapos ang pamamaril ay tumawid lamang sa kabilang ilog ang mga suspek para tumakas.

Nakakuha ang mga imbestigador at ang SOCO sa pinangyarihan ng krimen ng maraming basyo ng bala ng 5.56Mm na baril.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang motibo sa pamamaslang sa biktima.

Isa sa sinisilip na angulo ay ang tungkol sa trabaho ng biktima bilang quarry operator. Si Lazaro ay sinasabing tao ng isang mayor. (Marina Bernardino-Sy)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here