Home METRO Western College sa Cavite, binulabog ng bomb threat

Western College sa Cavite, binulabog ng bomb threat

340
0

CAVITE, Philippines – Nabulabog ng bomb threat ang isang kolehiyo sa bayan ng Naic sa Cavite.

Ayon sa nakalap na report, dakong alas-8:24 ng umaga nang mabulabog ang Western College sa Brgy. Latoria, Naic, Cavite matapos makatanggap ng bomb threat mula sa hindi nagpakilalang indibidwal.

Sa pahayag ng Principal ng Western College na si Dr. Balbuena, nakatanggap ito ng suspicious text message at nakasaad na “May nilagay kaming bomba sa paaralan nyo dahil ang may-ari nyan ay may atraso samin na malaki kaya damay-damay na to. 3 million para hindi namin pasabugin ang 5 bomba na tinanim namin sa paaralan nyo na Western College.”

Kaagad na nagreport sa pulisya ang pamunuan ng nasabing eskuwelahan kung kaya’t pansamantalang sinuspindi ang klase sa nasabing Campus at nagsagawa ng inspection simula sa 1st floor hanggang 4th floor ng building.

Matapos ang may ilang oras na inspection ng mga Bomb Dispossal Unit at pulisya, walang nakuhang at nakitang bomba ang mga ito.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente. MARGIE BAUTISTA 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here