Home ENTERTAINMENT Quen, nagbenta ng sapatos, naghihirap?

Quen, nagbenta ng sapatos, naghihirap?

Manila, Philippines – Selling one’s personal belongings doesn’t mean he’s financially hard up.

Ito ang dapat isipin ng mga nakapanood ng vlog ng shoe collector na si Dane Gorospe whose shop ay pinuntahan ni Enrique Gil para ibenta ang dalawang pares niyang sapatos.

Both pairs na Nike Air command high price.

Isa sa dalawang pares ay naibenta ni Quen ng P500k, pero sinasalya niya ito ng P.8M.

‘Yung isa’y naidispatsa niya at P1M when it was originally priced at P1.2M.

Lest everybody forget, isang dancer din si Quen.

As such, malaki raw ang nagagawa ng suot niyang sapatos to enhance his dance moves.

Word of advice lang: huwag daw isipin ng mga netizens na may pinagdadaanan siyang financial letdown.

Paglilinaw ni Quen, kesa raw nakaimbak sa kanyang closet ang kanyang mga sapatos ay perahin na lang niya ang mga ito.

Mas bongga ‘yung Nike Air pair which Quen sold at P1M.

Tatlong tao–kabilang siya–sa buong mundo ang meron lang niyon.

Parehong collector’s item ang mga ‘yon. Ronnie Carrasco IiI