Home ENTERTAINMENT Kristoffer, may panawagan kay Kathryn!

Kristoffer, may panawagan kay Kathryn!

Manila, Philippines – Umaasa si Kristoffer Martin na mabibigyan uli siya ng chance na makatrabaho si Kathryn Bernardo.

Nagkasama noon sina Kristoffer at Kathryn sa Philippine adaptation ng Korean drama series na Endless Love na umere sa GMA 7.

Gumanap dito si Kristoffer bilang batang Dingdong Dantes, at si Kathryn naman bilang batang Marian Rivera.

Proud na proud si Kristoffer sa lahat ng mga achievements ni Kathryn.

Inamin naman niya na wala na silang communication ng ex-girlfriend ni Daniel Padilla, pero nagbabatian naman sila kapag nagkikita sa mga showbiz events.

“Nagkikita kami sa mga events, nagha-hi, hello-an pero ‘yung personal, nagme-message (sa isa’t isa), hindi po,” ang sabi ni Kristoffer sa panayam sa kanya sa Fast Talk with Boy Abunda.

Nanawagan si Kristoffer kay Kathryn na sana ay magkatrabaho ulit sila.

“Kath, baka naman ‘di ba? Work tayo. Sayang ‘yung ‘Endless Love’ oh. Tuloy natin.”

Hiningan naman siya ng mensahe ni Kuya Boy para kay Kathryn matapos itong makipaghiwalay kay Daniel.

“Peace sa heart niya, Tito Boy. Kasi deserve niya ‘yun eh. Importante ‘yung peace,” ani Kristoffer.

Kasalukuyang napapanood si Kristoffer sa Kapuso afternoon series na “Makiling” starring Elle Villanueva at Derrick Monasterio.

Isa ang aktor sa mga kinaiinisang kontrabida sa programa.

Umeere ang Makiling mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA Afternoon Prime, 4:05 p.m. pagkatapos ng Stolen Life. Rommel Placente

Previous articleQuen, nagbenta ng sapatos, naghihirap?
Next articlePNP sinupalpal ng solon sa pagtanggi na magpatupad ng posibleng arrest order ng ICC vs ex-PRRD