Home NATIONWIDE Querubin sa AFP: Magkaisa sa kabila ng sigalot sa politika

Querubin sa AFP: Magkaisa sa kabila ng sigalot sa politika

MANILA, Philippines – Nanawagan siAriel Querubin, Medal of Valor awardee, sa mga kasamahang sundalo sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na “stay united and never let politics divide them.”

Ang pahayag na ito ni Querubin, na isang retired Marine colonel, ay bilang paghimok sa ahensya na manatiling tapat sa constitutional mandate bilang taga-protekta ng bansa.

Ito ay tugon niya sa nagpapatuloy na tensyon sa pagitan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.

Kaugnay nito, dismayado naman si Querubin sa gulo sa kasalukuyang administrasyon na maaari rin aniyang maghati sa mga mamamayan.

“Nakababahala rin ang mga pahayag na nag-uudyok ng pagdududa sa katapatan ng mga sundalo. Sa kabila ng ingay sa pulitika, nananatili ang Armed Forces of the Philippines a tapat sa Konstitusyon at bayan,” dagdag pa niya.

“We need a united armed forces to defend us from the prevailing internal and external threats, any disunity in the ranks will only benefit our enemies.”

“Soldiers should never fight each other over politics and should stay united and loyal to the constitution and the people,” pagtatapos ni Querubin. RNT/JGC