Home NATIONWIDE Quiapo Church dinagsa ng deboto sa unang Biyernes ng 2026

Quiapo Church dinagsa ng deboto sa unang Biyernes ng 2026

289
0

MANILA, Philippines – Dinagsa ng mga mananampalataya ang misa sa Quiapo Church ngayong unang Biyernes ng taong 2026, isang linggo bago ang Kapistahan ng Poong Jesus Nazareno sa January 9, 2026.

Mahigpit ang pagbabantay na ipinatutupad ng Manila Police District upang masiguro ang kaayusan at kapayapaan sa paligid ng Quiapo Church.

Ang ibang deboto na hindi nakapasok sa simbahan ay sa labas na lamang nakinig ng misa habang ginagabayan ng mga hijos del Nazareno.

Inanunsyo na rin ang ilang aktibidad na gaganapin sa kapistahan, kung saan bukas ng hapon, January 3, ay isasagawa ang pagbabasbas ng mga replica ng Poong Jesus Nazareno.

Tuloy-tuloy rin ang ginagawang novena masses hanggang January 8, kung saan ang pahalik ay gaganapin sa January 5 sa Quirino Grandstand, habang sa January 9 ay isasagawa ang Traslacion ng Poong Jesus Nazareno. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here