Home METRO Quiapo Church isa nang Archdiocese

Quiapo Church isa nang Archdiocese

MANILA, Philippines – Itinaas na sa katayuan na isang Archdiocesan Shrine ang Parokya ni San Juan Bautista na kilala bilang Simbahan ng Quiapo.

Ito ay matapos aprubahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang petisyon ni Fr. Rufino Sescon Jr., rector ng parokya.

“We hereby decree that the Minor Basilica of the Black Nazarene – St John the Baptist Parish (Quiapo Church), be conferred the title of the Archdiocesan Shrine of the Black Nazarene,” sabi ng Manila archbishop sa isang kautusan na may petsang Mayo 10.

“By this Decree of Erection, We likewise grant to the said Archdiocesan Shrine of the Black Nazarene all the rights and privileges as embodied in the statutes which we also approve at the same time,” dagdag pa.

Inanunsyo nitong Miyerkules, Mayo 31 ang bagong katayuan ng Quiapo Church sa isang misa na pinangunahan ni Fr.Reginald Malicden, vicar general.

Sa kanyang homily, binigyang-diin ng pari na ang deklarasyon sa simbahan bilang archdiocesan shrine ay matagal nang inaasam.

“But for us devotees, whether there is a formal declaration, or none is made, this church is a real shrine because here we feel the presence of God,” sabi ng pari.

Inaprubahan din ang merito sa petisyon sa pagsangguni sa komunidad ng Minor Basilica of the Black Nazarene — St. John the Baptist Parish (Quiapo Church) at ng Presbyteral Council.

Upang maging isang diocesan shrine ang isang simbahan, bukod sa iba pang mga kinakailangan, ay dapat na isang lugar ng makasaysayang kahalagahan, panalangin at pilgrimage para sa isang espesyal na dahilan ng kabanalan.

Ang parokya ay naghain ng petisyon na humihiling sa Obispo na itaas ang antas ng simbahan.

Ang Quiapo Church ay naging tahanan ng imahe ng Black Nazarene na dinadagsa ng mga deboto tuwing Enero 9.

Noong 1987, itinaas ni St. John Paul II ang simbahan bilang Minor Basilica of the Black Nazarene dahil sa papel nito sa pagpapalakas ng malalim na debosyon kay Hesukristo at ang kontribusyon nito sa kultura sa pagiging relihiyoso ng mga Pilipino. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous article2 na nasita sa pagyoyosi, kalaboso sa P36K damo sa Caloocan
Next article15K Pinoy apektado ng bagyong Betty – NDRRMC