Home HOME BANNER STORY 15K Pinoy apektado ng bagyong Betty – NDRRMC

15K Pinoy apektado ng bagyong Betty – NDRRMC

MANILA, Philippines – Aabot sa 15,000 Filipino ang naapektuhan ng bagyong Betty habang patuloy itong kumikilos palabas ng bansa, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa pinakahuling ulat ng NDRRMC hanggang nitong Miyerkules, Mayo 31, nasa 14,908 na indibidwal o 3,821 pamilya ang apektado ng bagyo sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Mimaropa, at Western Visayas.

Sa nasabing bilang, 5,981 katao ang isinailalim sa pre-emptive evacuation.

Nasa kabuuang anim na rehiyon, 13 probinsya, 30 munisipalidad at 94 barangay din ang apektado.

Maliban dito, aabot sa 114 flights at 72 sea ports ang apektado mula nang pumasok ang bagyong Betty sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Nasa P68,695 naman ang pinsala sa imprastruktura.

Wala pang naitatalang nasawi o nasaktan dahil sa pananalasa ng bagyong Betty. RNT/JGC

Previous articleQuiapo Church isa nang Archdiocese
Next articlePanawagang maging drug czar sa PBBM admin, tinanggihan ni ex-PRRD