Home NATIONWIDE Quiboloy nag-bible study habang nasa detention – lawyer

Quiboloy nag-bible study habang nasa detention – lawyer

196
0

MANILA, Philippines – Binisita ng abogado ni Pastor Apollo Quiboloy ang kanyang kliyente habang ito ay nasa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame. 

Inilarawan ni Atty. Mark Tolentino ang kanilang pagkikita ni Quiboloy bilang isang bible study, o isang uri ng spiritual discusson sa halip na pag-usapan ang mga legal na hakbang kaugnay sa kanyang kaso.

Ani Tolentino, naiinip na si Quiboloy at isolated matapos na ilipat sa Pasig City Jail ang kanyang apat na kasamahan.

“Nag-Bible study po kami doon. We were talking about the word of God… Nagpapasalamat po ako kay Pastor Quiboloy for the opportunity na one-on-one kaming dalawa lang. We talked about the bible, yung mga spiritual na mga teachings sa bible. ‘Yun lang ginagawa natin ngayon,” ani Tolentino.

Nang tanungin tungkol sa nagpapatuloy na pagdinig sa mga bagong alegasyon laban kay Quiboloy na ‘self-appointed son of God,’ sinabi ni Tolentino na hindi siya pinapayagang magsalita kaugnay sa aktibong legal proceedings.

“Sa hearing, hindi pa ako pwede magsalita kasi [may] sub judicial ruling so hindi ako pwedeng magsalita,” ayon kay Tolentino.

“Yung opinyon ko, allegation is not equivalent to guilt. ‘Yun lang sabi ko and there is a presumption of innocence unless proven guilty beyond reasonable doubt. Kailangan hindi tayo pwede mag-chismis lang kailangan based tayo sa batas, based sa jurisprudence, and based sa ebidensya,” pagpapatuloy niya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here