MANILA, Philippines – Dapat na gawing prayoridad ang transparency at accountability kaysa tradisyon sa mga ginagawa ng pamahalaan, kasunod ng pinakahuling pagbusisi sa 2025 budget proposal ng Office of the Vice President, sinabi ni Alliance of Concerned Teachers Party-list Rep. France Castro nitong Sabado, Setyembre 14.
Ani Castro, dapat ay mauna ang transparency at accountability para sa kapakanan ng publiko.
“Transparency and accountability must be above traditions,” saad sa pahayag ni Castro.
“If not, then what we will have are just dogmas that do not serve the interest of the people but those of their oppressors,” dagdag pa niya.
Matatandaan na naunang ipinagpaliban ng House panel ang deliberasyon matapos na hindi sagutin ni Vice President Sara Duterte ang halos lahat ng tanong ng mga mambabatas kung paano niya gagamitin ang badyet.
“The Makabayan bloc has consistently scrutinized the budgets of every government agency for years and not just the Office of the Vice President. It is only now though that anomalies of this magnitude had been unearthed at the OVP,” sinabi pa ni Castro.
Nitong Biyernes, sinabi ni Senador Joel Villanuava na hindi siya sang-ayon sa ginawang pagtapyas ng House panel on appropriations sa proposed budget ng OVP.
Ani Villanueva, dapat ay panatilihin pa rin ang tradisyon ng Kamara na ipasa nang maayos ang budget proposal ng ikalawang pinakamataas na opisina sa bansa. RNT/JGC