Home NATIONWIDE Racist video ng China Daily, binatikos ng mga opisyal ng PH

Racist video ng China Daily, binatikos ng mga opisyal ng PH

1
0

MANILA, Philippines – Kinondena ng ilang opisyal ng Pilipinas ang AI-generated video ng China Daily na nagpakita sa mga Pilipino bilang mga unggoy kaugnay ng isyu sa West Philippine Sea.

Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang naturang video ay racist, mapanlait, at hindi katanggap-tanggap. Hiniling din nito sa China Daily na alisin agad ang video at itigil ang paggawa ng mga kahalintulad na nilalaman.

Suportado ni Senador Robin Padilla ang naging pahayag ng DFA. Ayon sa kanya, hindi dapat tanggapin ang anumang uri ng racist na pagtrato sa mga Pilipino.

Samantala, sinabi ni Senate President Sherwin Gatchalian na ang kalayaan sa pagpapahayag ay hindi lisensya para sa rasismo. Aniya, hindi dapat gamitin ang free speech upang mang-insulto o manghamak ng ibang lahi.

Nanawagan naman si Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa China na humingi ng pampublikong paumanhin sa mga Pilipino. Aniya, ang video ay malinaw na mapanlait at hindi katanggap-tanggap.

Inilabas ang AI-generated video kasabay ng paggunita sa ika-10 anibersaryo ng 2016 Arbitral Award, na pumabor sa Pilipinas sa usapin ng West Philippine Sea. Patuloy namang hindi kinikilala ng China ang naturang desisyon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here