Home METRO Radio brodcaster pinaulanan ng bala sa Albay

Radio brodcaster pinaulanan ng bala sa Albay

334
0

MANILA, Philippines – Kinondena ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) ang pamamaril kay radio broadcaster Noel Bellen Samar sa Guinobatan, Albay nitong Lunes, at tinawag itong pag-atake hindi lamang sa biktima kundi sa kalayaan ng pamamahayag.

Si Samar, 54, mula sa Kadunong ITV at DWIZ Legazpi, ay binaril sa dibdib at tiyan bandang alas-9 ng umaga sa Maharlika Highway at kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon.

Naglunsad ang PNP ng nationwide hot pursuit, at nag-activate ng Special Investigation Task Group (SITG “Samar”) para manguna sa imbestigasyon.

Nangako si PTFoMS Executive Director Jose Torres Jr. na huhabulin hindi lamang ang gunman kundi pati ang mga nag-utos sa krimen, at tiniyak na hindi papayagang manahimik ang media dahil sa karahasan.

Kinondena rin ng National Press Club ang insidente at nanawagan sa mga awtoridad na agaran tukuyin at arestuhin ang salarin, binibigyang-diin na ang bawat pag-atake sa mamamahayag ay pag-atake sa kalayaan ng pamamahayag.

Mula 1986, may 199 na naitalang kaso ng karahasan laban sa mga media worker ayon sa PTFoMS, kung saan 75 ang kumpirmadong work-related. Ang Maguindanao Massacre noong 2009, na ikinamatay ng 32 mamamahayag, ang pinakamalalang pag-atake sa media sa kasaysayan ng Pilipinas. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here