Home NATIONWIDE Rallyista, nagsagawa ng kilos protesta sa impeachment ruling ni VP Sara

Rallyista, nagsagawa ng kilos protesta sa impeachment ruling ni VP Sara

198
0

MANILA, Philippines – Sinabayan ng kilos protesta ang sa harap ng Korte Suprema ng ilang grupo ang en banc session upang ipanawagan na baligtarin ang naunang impeachment ruling nito laban kay Vice President Sara Duterte.

Bantay sarado naman ng Manila Police District (MPD) ang aktibidad para maging maayos at payapa ang kanilang kilos protesta na hindi magdudulot ng pagbigat sa daloy ng trapiko sa kahabaan ng Padre Faura.

Kasama nila sa rally ang isang naka-costume ng huwes na may piring ang mga mata at bitbit ang timbangan na sumisimbulo sa patas at walang kinikilingan na hustisya.

Partikular na panawagan ng mga rallyista sa Korte Suprema na baliktarain ang desisyon na nagsabing unconstitutional ang pagdaraos ng impeachment trial dahil sa tinatawag na one year bar rule.

Giit din ng mga rallyista na ituloy ng Senado ang paglilitis at panagutin sa batas ang bise presidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here