MANILA, Philippines – Sumugod sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) ang ilang rallyista para igiit ang pagpapalaya sa isang political detainee.
Giit ng Amihan National Federation of Peasant Women at Free Amanda Echanis Movement na tulad ng iba pang political detainees, illegal ang pagdampot kay Amanda Echanis sa nakalipas na limang taon.
Ayon sa grupo, hindi nabigyan ng patas na pagpapatupad si Echanis na halos wala pang isang buwan noong magsilang ng sanggol.
Panawagan rin nila na palayain na ang halos nasa 700 political prisoners na tanging ipinaglalaban lamang ay ang karapatan ng bawat mamamayan.
Ang mga ito ay ikinulong ng dahil lamang sa nakasama sila sa listahan ng ntf-elcac kung saan biktima sila ng red tagging.
Kaugnay nito, bantay sarado ng pulisya ang pagkilos sa labas ng DOJ habang tumutulong ang mga tauhan ng MTPB sa pagmamanda ng trapiko. Jocelyn Tabangcura-Domenden