Home NATIONWIDE Recto nakakuha ng CA approval bilang Finance secretary

Recto nakakuha ng CA approval bilang Finance secretary

MANILA, Philippines – Nakakuha ng pag-apruba ng bicameral Commission on Appointments (CA) si Finance Secretary Ralph Recto.

Ang kumpirmasyon ni Recto na nanumpa bilang Finance secretary noong Enero, ay inirekomenda sa plenary session ng CA committee on finance na pinamumunuan ni Senator Ramon Revilla Jr.

“I take pride in endorsing the distinguished individual who possesses the expertise and commitment needed to lead our nation towards economic prosperity and fiscal stability. With him at the helm, we know that the Department of Finance is in good hands,” sinabi ni Revilla sa plenary session.

Dagdag pa niya, ang ‘pragmatic insights, forward-thinking approach’ at abilidad ni Recto na makipagtulungan sa mga stakeholder ay magsisilbing paraan upang mapangasiwaan ng mabuti ang fiscal landscape ng bansa.

“Indeed, Secretary Recto’s extensive experience in governance, profound perception of economic policies, and innovative approach to financial management make him the ideal Finance Secretary equipped to steer our nation’s financial affairs towards the right direction,” ani Revilla.

Inaprubahan si Recto sa plenary, na binubuo ng tig-12 miyembro mula sa Kamara at Senado, kasama ang Senate President — na kasalukuyang inuupuan ni Senator Juan Miguel Zubiri — bilang ex officio presiding officer.

“As the needs of our growing population outpace revenues, the temptation to inflict taxes is there, but such must take a backseat to growing the economy, plugging tax leaks, improving tax administration, and yes, preventing wasteful expenditures through carefully curated projects that only yield economic gains,” saad sa pahayag ni Recto.

Kamakailan ay sinabi niya na hindi nito isusulong ang pagpapatupad ng karagdagang mga tax dahil magkakaroon ito ng epekto sa inflation at hindi tamang panahon para ipatupad ang mga hakbang na ito.

Muling niyang inulit ang pahayag noong Enero nang sabihing isasaprayoridad niya ang koleksyon ng mga buwis sa mga coffer ng bansa na magagawa niya umano sa pagpapabuti ng efficiency ng tax collection.

“Mahalaga ‘yung growth, mahalaga ‘yung lalo na ngayon, we’re still in an economic recovery stage so sa panahon natin ngayon, palagay ko hindi nararapat na masyadong magpataw tayo ng maraming buwis. Let’s concentrate our efforts muna sa tax collection efficiency din,” dagdag ni Recto.

“As to the pressing issue of inflation, we will continue to employ measures that will shield consumers, especially the vulnerable, from the pain of elevated prices. After all, inflation is an unlegislated tax that people should not bear,” pagpapatuloy niya.

“But in my mind, the best way to inculcate tax obedience is still to promote ease of payment and to show that taxes that are efficiently collected are efficiently spent.” RNT/JGC

Previous articlePCSO may paliwanag sa mananayang nanalo ng 20 beses sa isang buwan
Next articlePadilla sa Senate committee: Quiboloy ‘wag pwersahing tumestigo sa pagsisimula ng DOJ hearing