Home HOME BANNER STORY Ramadan sa Pinas kasado sa Marso 12

Ramadan sa Pinas kasado sa Marso 12

MANILA, Philippines- Magsisimula ang Ramadan sa Pilipinas sa Martes, March 12, 2024, ayon sa Bangsamoro mufti. 

Inanunsyo ito ni Sheikh Abdulrauf Guialani nitong Linggo matapos magsagawa ang assigned groups ng moon sighting sa buong bansa.

“By the authority vested in me as Bangsamoro mufti, I, Abdulrauf Guialani, hereby announce that the crescent moon was not sighted today,” aniya.

“Therefore, Ramadan fasting 2024 will officially commence on Tuesday, March 12.” 

Magkakaiba ang petsa ng pagsisimula ng Ramadan sa iba’t ibang bansa dahil depende ito sa lunar sighting sa kanya-kanyang lokasyon: “Fast when you see it (the crescent of Ramadan) and break the fast when you see it (the crescent of Shawwal).” 

Ang Ramadan ay ang ika-siyam na buwan sa Islamic calendar. 

Ito ang panahon ngpag-aayuno at pananalangin kung saan hindi kumakain at umiinom ang mga Muslim mula pagsikat ng araw hanggang lumubog ito.

Hindi kasama sa gawain ito ang physically o mentally ill, buntis o nagpapasusong ina, at mga matatanda kung makasasama sa kanilang kalusugan ang pag-aayuno.

Hindi rin nagsisigarilyo ang mga Muslim o nakikibahagi sa anumang sexual activity sa panahong ito.

Magdidimula rin sa mga karatig-bansa sa Southeast Asia na Singapore at Malaysia ang Ramadan sa March 12. 

Samantala, ang Eid al-Fitr ang pagtatapos ng Ramadan at ipinagdiriwang sa unang tatlong araw ng Shawwal, ang ika-10 buwan ng Islamic calendar. Iniaanunsyo rin ng mufti ang petsa nito batay sa resulta ng moon sighting. RNT/SA

Previous articlePagkakaisa, pagpapatawad hiling ni PBBM sa panahon ng Ramadan
Next articleP64M undocumented tobacco nasabat