Home ENTERTAINMENT Ranier, ang bagong ‘apple of the eye’ ni Jojo?

Ranier, ang bagong ‘apple of the eye’ ni Jojo?

225
0

Manila, Philippines – Pagkatapos mag-viral sa internet ng pictures ng Revival King na si Jojo Mendrez at ng Sparkle actor na si Mark Herras na spotted na magkasama sa isang casino sa Pasay, ngayon naman ay ang picture ng nasabing singer at ni Ranier Castillo na magkasama ang kumakalat.

Kagaya ni Mark ay isa ring alumnus ng Starstruck ng GMA si Ranier.

Sa viral pic, makikita na nasa likod ni Ranier si Jojo habang naglalaro sila sa isang table sa casino.

Kita rin sa picture ang gabundok na chips na nasa harap nila na malamang ay ipantataya ng dalawa sa kanilang nilalaro.

Ang nagkakaisang tanong tuloy ngayon ng nfa Marites na netizen, si Ranier na ba ang ipinalit ni Jojo kay Mark? Isang linggo lang ba ang ‘pag-iibigan’ na namagitan kina Jojo at Mark?

Kung matatandaan, sa isang mediacon ni Jojo ay biglang sumulpot si Mark habang kumakanta ang una.

Nagbigay pa ng bouquet of flowers si Mark kay Jojo na lalong nagpatibay sa hula ng mga Marites na may something sa dalawa.

Sa ngayon, kasabay ng pag-launch ng latest single ni Jojo na Nandito Lang Ako under Star Music ay bigla namang sumulpot din ang pangalan ni Ranier.

Teka, ang tanong ngayon ng mga Marites ay kung may something na ba kina Jojo at Ranier?

Sa totoo lang ay nalilito na ang nga Marites kung sino kina Mark at Ranier ngayon ang mas matimbang sa puso ni Jojo.

Siguro ay kailangan nang magsalita ni Jojo na ang dating ay pinag-aagawan ng dalawang matinee idols. JP Ignacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here