MANILA, Philippines – Hindi kailangan patunayan ng biktima ng rape na nanlaban ito sa suspek na nagbanta at pumuwersa sa kanya.
Sa desisyon ng Supreme Court (SC) Third Division napatunayang guilty sa panghahalay ang isang ama sa kanyang anak mula ng ito ay siyam na taon gulang hanggang sa naging 16 anyos.
Pinagtibay rin ang hatol na iginawad ng mababang korte sa akusadong si ZZZ na humalay sa kanyang anak na si AAA l.
Sa record ng kaso, si ZZZ ay kinasuhan ng rape and sexual abuse ng kanyang anak na si AAA na nagsimula noong siya ay siyam na taong gulang pa lamang hanggang sa magkaedad ng 16.
“Requiring proof of resistance also ignores the fact that women, as traditional victims of rape, have been conditioned to live for the male gaze and to believe that it is impolite to be assertive. It also dismisses the fact that resisting a man’s sexual advances can harm a woman or get her killed”, ayon sa desisyon.
Sa pagpapatibay sa hatol sa akusado, nilinaw ng Korte Suprema na kung hindi man umalma ang isang rape victim ay hindi nangangahulugan na pinapayagan niya ang rapist na siya ay halayin.
Niliwanag din ng Korte Suprema ang mga naunang desisyon na nagsasaad na hindi maaaring sabihin ng babae na siya ay biktima ng panggagahasa kung hindi siya pumalag sa rapist na taliwas sa kasalukuyang doctrine.
“The right of women to autonomy and bodily integrity should be recognized and respected.,” ayon sa SC. TERESA TAVARES