Home NATIONWIDE Rare Earth minerals sa WPS binabantayan ng bansa vs istruktura ng China

Rare Earth minerals sa WPS binabantayan ng bansa vs istruktura ng China

1
0

MANILA, Philippines – MINO-MONITOR ng mga awtoridad ng Pilipinas ang mineral resources sa bansa at maging ang pagdagsa ng mga foreign nationals mula Tsina.

Kasunod ito ng di umano’y konstruksyon ng Tsina sa Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea (WPS).

Sinabi ni Retired Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, nagsilbi bilang Armed Forces of the Philippines spokesperson para sa WPS, ang hakbang na ito ay matapos na gumamit ng mga materyales para sa reklamasyon ng mga tampok sa West Philippine Sea.

“‘Yung rare Earth minerals na binabantayan natin include the influx of foreign nationals coming from Mainland China. Marami itong binabantayan natin sa lupa natin, hindi lamang sa karagatan,” ang sinabi ni Trinidad.

“’Yung sinasabing lupang itinatambak o ‘yung ginagamit sa reclamation ay galing sa atin, ang na-monitor natin ay ‘yung mga rarest mineral o black sand mining na kinukuha sa atin at inuuwi sa mainland China. ‘Yung iba, pwedeng inilagay sa West Philippine Sea, pero ang unang pinagkuhanan nila ay kapaligiran din ng ating features. Massive reclamation ito,” aniya pa rin.

Winika pa ni Trinidad na naggagalugad sila ng mga paraan para i-regulate ang dredging activities sa pamamagitan ng batas, habang ang Tsina ay nakikipag-ugnayan sa local government units na magsagawa ng dredging sa pamamagitan ng black sand mining o eksploytasyon ng madalang na earth minerals.

Bineripika ng Pilipinas ang ulat ng di umano’y itinayong istraktura ng Tsina sa Bajo de Masinloc matapos na ang maritime monitoring group SeaLight ay nagbahagi ng satellite images ng di umano’y istraktura, sinasabing 10 metro sa diyametro.

“Now SeaLight has obtained commercial satellite imagery captured on 28 May 2026 by Satellogic via our imagery partners at SkyfiApp, showing the southern entrance to Scarborough Shoal’s lagoon. The inset is a magnified crop of the same scene,” ang sinabi ng SeaLight.

“At the tip of the southern reef rim, the imagery reveals a small, reflective object clearly distinguishable on the reef flat near the lagoon entrance,” dagdag na pahayag nito.

Naghain naman ang Pilipinas ng diplomatic protest kaugnay ng movable floating platform na di umano’y dineploy ng Tsina sa loob ng Bajo de Masinloc sa WPS.

Nauna rito, kinumpirma ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) nitong Miyerkules na inalis na ang Chinese floating platform na namataan sa lagoon ng Bajo de Masinloc mula pa noong huling bahagi ng Mayo.

Ayon sa NTF-WPS, nakumpirma ang pag-alis ng naturang estruktura batay sa pinakahuling maritime domain awareness (MDA) patrols na isinagawa ng mga awtoridad ng Pilipinas.

Kasabay nito, sinabi ng task force na magpapatuloy ang regular na maritime patrols, MDA operations, at iba pang lawful presence activities ng Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, at iba pang kaukulang ahensya upang matiyak ang seguridad sa Bajo de Masinloc.

Nanawagan din ang NTF-WPS sa lahat ng dayuhang entidad na sumunod sa international law at itigil ang anumang kilos na lumalabag sa soberanya, sovereign rights, at hurisdiksyon ng Pilipinas.

Nauna nang naghain ang Pilipinas ng pormal na diplomatic protest laban sa China matapos matukoy ang presensya ng floating platform sa Bajo de Masinloc.

Bagama’t kinilala nito ang pag-alis ng estruktura, muling iginiit ng NTF-WPS ang posisyon ng bansa na ang Bajo de Masinloc ay bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.

Binigyang-diin din nito na tanging Pilipinas lamang ang may karapatang magtayo ng mga estruktura at magsagawa ng mga aktibidad, kabilang ang marine scientific research, sa Bajo de Masinloc at karatig nitong karagatan. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here