Home ENTERTAINMENT Reception ng Angelica-Gregg wedding, sa burger house ginawa!

Reception ng Angelica-Gregg wedding, sa burger house ginawa!

Los Angeles, USA – Obyus na hindi nasunod ang destination wedding as originally planned by Angelica Panganiban at Gregg Homan.

Matatandaang nagka-“canvass” last year ang aktres ng isang island resort bilang venue ng kanilang kasal.

Na-rule out na kumbaga ang anumang lugar sa Subic where Gregg holds business.

Kamukat-mukat mo, Angelica settled for a simple and intimate wedding in California, USA on the last day of 2023.

That explained kung bakit nagkaroon na rin ng side trip ang mga kaibigan ni Angelica na sina Kim Chiu at Bela Padilla.

All three of them are collectively known as AngBeki.

Nakuha kasing dalawin nina Kim at Bela si Kris Aquino sa tinitirhan nito sa Orange County sa Los Angeles.

Anyway, back to Angelica’s wedding, ibinahagi niya ang ilang litratong kuha roon.

Nakunan ang paglalakad ng bride in her simple yet elegant gown, ang ceremonial kiss nila ni Gregg at ang one-year-old child nilang si Amila Sabine or Baby Bean.

The reception was as simple as the wedding ceremony.

May photo kasi ang mag-asawa sa In-N-Out Burger House which served as the wedding reception

Kung may natupad man sa ine-envision na kasal ni Angelica, ‘yun ay ang ‘di nito pagkakaroon ng mala-karnabal na ambiance. Ronnie Carrasco III

Previous articleVoter registration target muling ikasa sa Pebrero
Next articleLight traffic sa expressways naobserbahan pagkatapos ng holiday season