Home METRO Light traffic sa expressways naobserbahan pagkatapos ng holiday season

Light traffic sa expressways naobserbahan pagkatapos ng holiday season

145
0

MANILA, Philippines- Kasunod ng pagtatapos ng Kapaskuhan para sa taong 2023, naiulat ng Toll Regulatory Board ang mas maluwag kaysa sa inaasahang daloy ng trapiko sa kahabaan ng North at South Luzon Expressways.

Ayon sa ulat, naitala lamang ang mabigat na trapiko sa kahabaan ng Southwoods southbound portion ng SLEX nitong Lunes dahil sa isang car accident.

“Kahapon, there was a time na nagkaroon ng pagdagsa after lunch. Nagsimula ng 1 p.m. or 2 p.m. and lasting for some time, pero hindi naman katagalan. Pabugso-bugso at before 9 p.m. napansin namin lumuwag na,” pahayag ni TRB spokesperson Julius Corpuz.

“Marami po siguro ang medyo nagsi-balik na unti-unti during the holidays, kasi mahaba ang holidays natin and also it is possible na hindi karamihan ang nagsi-labasan ng Metro Manila this time,” dagdag niya.

Pahayag ng TRB, sinusuri nito ang daily traffic report nito upang maintindihan ang motorist behavior tuwing holidays kung saan naobserbahan ang mabigat na daloy ng trapiko noong December 15 hanggang 16 sa expressways.

Samantala, mabagal naman ang paggalaw sa bus stations dahil naantala umano ang mga bus ng mabigat na daloy ng trapiko sa C-5 road. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here